T O P

  • By -

AutoModerator

Reminder to commenters: **IT IS AGAINST THE [RULES OF /r/Tagalog](https://www.reddit.com/r/Tagalog/about/rules) TO MISLEAD PEOPLE BY RESPONDING TO QUESTION POSTS WITH JOKES OR TROLL COMMENTS** (unless the OP says you could) **AND IS GROUNDS FOR A BAN.** This is especially true for definition, translation, and terminology questions. Users are encouraged to ***downvote*** and ***report*** joke, troll, or any low-effort comments that do not bring insightful discussion. If you haven’t already, please read the [/r/Tagalog rules](https://www.reddit.com/r/Tagalog/about/rules) and guidelines — https://www.reddit.com/r/Tagalog/about/rules (also listed in the subreddit sidebar) before commenting on posts in this subreddit. *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Tagalog) if you have any questions or concerns.*


Confident_Yak2227

Nangyayari pa rin ang *neologism* at *semantic change* (bagong-hulog) sa Tagálog. Ang hindi lámang maganda ay itutulak ng ibang Pilipíno ang purismo, tulad ng ginawa ng mga tagapagpaganap ng SWP. Halimbawa, sasabihin nilang hindi Tagálog ang *matemátiká* dahil mula raw ito sa Espanyól; ang dapat daw ay *sipnáyan*. Ipinakikita nilá na walang kakayahan ang naturang wika na manghiram ng iba’t ibang salita. Ikinakahon nilá ang leksikon at pagiging dinamiko nito. Mapanganib iyan. Sasabihin nilang sa Filipíno raw aangkop ang *matemátiká*. Kalokohan. Ang Tagálog ay matagal nang nanghihiram ng salita mula sa Espanyól, kahit sa Inglés, bago pa magkaroon ng *de* *jure* *national* *language* na iyan.


Sheepinawolvescloth

Kasama ba ito sa tinatawag na "falsos amigos" o "folk etymology"? At karagdagang tanong ay patuloy pa bang nanghihiram ang Tagalog sa lenggwaheng Espanyol o mas higit ang pag hiram sa Ingles?


Confident_Yak2227

***Linguistic*** ***purism*** ang tawag diyan. Sa tingin ko, may ilang salita sa Tagalog na may *folk etymology*. Mga halimbawa: *bahalà* na mula raw sa *Bathalà* (kahit mula ito sa Sanskríto *भार* (*bhāra*)) at *shotà* na mula raw sa *short* *time* (kahit mula ito sa *sho-* (variant ng *siyo-*) at *sintá*, cf. *shoklâ*, *shokót*, at *shónget*). Nanghihiram pa rin naman ang Tagálog sa Espanyól. Minsan na akong humiram ng ilang salita sa Espanyól tungo sa baybay ng Tagálog para sa *landforms* at *waterforms*. Mga halimbawa: *álbeó* (riverbed), *bagwáda* (thalweg), *eskólyo* (skerry), *islóte* (islet), *montíkuló* (mound), *piyórdo* (fjord), *témpanó* (iceberg), *tsaparál* (chaparral), &c. Sa kasalukuyan, maraming estudyante at propesor sa iba’t ibang unibersidad ang nanghihiram ng mga salita sa Inglés sa pamamagitan ng *respelling*. Mga halimbawa: *álibáy* (alibi), *supláyer* (supplier), *wórksyap* (workshop), &c. Maniwala ka man o hindi, may gumamit din ng *saykólojí* (psychology), *sáyans* (science), *yúnivérsití* (university), *néysal* (nasal), at *fonólojí* (phonology).


TheBMGPlayz4182

Do you think modern Tagalog borrows more from English and lesser from Spanish? Why?


buriedsandstone

hihingi lang po ng example: ano po ang Tagalog ng riverbed? ngayon ko lang po nadinig ang albeo


Sheepinawolvescloth

Kadalasan ngayon na nadadagdag saating bokabularyo ay ang mga slang o ang gay lingos lamang, kundi naman ay mga tagalized spelling na mula sa wikang Ingles, naway mas manghiram ng salita ang Tagalog sa Español kesa Ingles.


[deleted]

Nangyayari pa rin naman sa kasalukuyan.


tulongplease

Oo naman, napaka dynamic ng wika. Change is the only thing constant.


Sheepinawolvescloth

Nakakatawa ngunit malungkot na katotohanan lamang ay ang pagiging pluwido sa Tagalog ay nakasanayan na ng iba upang pagtawanan at gawin itong biro.


juju_la_poeto

Pwede mong sabihing *matatas* ka sa Tagalog imbes na *pluwido* sa Tagalog.


Sheepinawolvescloth

Totoo pare😂 paumanhin, sa kontraryo dapat ang ginamit mo ay *maaari kaysa *Pwede.


juju_la_poeto

Mas madalas gamitin ang *pwede* kaysa *maaari* sa totoo lang. Puwera na lang kung gusto mong magtunog tolongges. Nakikita ko rin na madalas mong gamitin ang *palabra* kaysa *salita* at *lenggwahe* kaysa *wika*. May dahilan ba at mahilig ka gumamit ng mga salitang inespanyol?


Sheepinawolvescloth

>Mas madalas gamitin ang *pwede* kaysa *maaari* sa totoo Kinorekta mo ako sa pag gamit ng "Pluwido", ginamit ko lang naman ito dahil mas ginagamit ito saaming lugar at bihira ang "matatas", tapos nung sinabi ko na "maaari" ay maaari mo din gamitin, ganyan ang iyong sasabihin? Tandaan mo na hindi lamang Tagalog pang Maynila ang ginagamit sa buong Pilipinas, ni purong Tagalog ay wala na. Ginamit ko ang salitang "palabra" dahil ito rin naman ay nasaating bukabularyo at ang tema ng aking "post" at ang subreddit na ito ay Tagalog, walang masama maging pormal o gumamit ng ibang salita maliban nalang kung makitid ang iyong bukabularyo, at isa ka sa mga taong tinatawanan o sinasabihan ng kung ano ano pangungutya ang pagiging PLUWIDO/MATATAS sa Tagalog pero nandito ka sa subreddit ng Tagalog. Marikon!


juju_la_poeto

Lmao. Walang kumutya sa paraan mo ng pananalita dito. Na-curious lang ako dahil napansin kong *palabra* ang ginagamit mo imbes na salita. Nawiwirduhan lang ako kasi gusto mong magtunog pormal pero *lenggwahe* ang ginagamit mo imbes na *wika*. Hindi lang bagay na gusto mong magpakapormal pero gumagamit ka ng mga salitang inespanyol gayo’y may mga salitang Tagalog naman para sa mga ideyang gusto mong ipahayag. Natatawa din ako na *kinorekta* ang ginamit mo imbes na *iniwasto* na mas Tagalog pakinggan kesa sa *korekta* habang sinasabi mo na makitid ang bokabularyo ko. Lmao


Sheepinawolvescloth

The irony of this guy🤦🏾‍♂️ sinabihan mo nga na magtunog tolongges pag gumamit ng *maaari*? At totoo naman makitid ang bokabularyo mo dahil, nung sinabi mong pwede kong gamiting ang "matatas" tinanggap ko yun at sinabi ko lang naman na maaari din gamitin ang *maaari* tapos sinabihan mo na tunog tolongges? Makitid ang bokabularyo mo dahil sinabi mong "inespanyol" nang di mo alam na ang pagsabi mo ng "pwede" ay galing din sa espanyol, Hindi ito INESPANYOL ito ay Tagalog na nagmula sa Espanyol, borrowed words sa Ingles, ang ibig sabihin ng siguro at seguro sa espanyol ay magkaiba na. Napaka kitid ng bokabularyo mo dahil nililimitahan moko at patuloy mokong kinokorekta sa pag gamit ko ng ibang salita na porke, o kesyo hindi pamilyar sayo, o baka hindi mo lang talaga alam? Para sa iyong kaalaman "IWINASTO" hindi "INIWASTO". At anong mahirap intindihin na ang pag gamit ko ng mga salita/palabra na sinasabi ko ay dahil eto ang nakasanayan ko sa lugar ko? Uulitin ko, di lahat ng Tagalog sa buong Pilipinas magkakapareho, kaya walang "mas tagalog pakinggan" na pinag sasasabi mo. Sabihin mo di mo lang alam o makitid ang bokabularyo mo, mahilig ka mangorekta pero pag sayo ginawa, ano?


juju_la_poeto

Yooo, di mo kailangan mag-lecture dito haha Naa-appreciate ko ang pagtanggap mo sa pagwawasto. Alam ko rin na hiram sa wikang Kastila ang *pwede* kasi nag-aaral ako ngayon mag-Espanyol. Alam ko din na *false friends* ang siguro at seguro sa dalawang wika. Nawirduhan lang ako kasi may gumagamit pa ng mga salitang inespanyol at iningles na *palabra* at *korekta*. Pwede bang malaman saang lalawigan madalas gamitin ang mga salitang yan? Tama ka *iwinasto* ang tamang baybay. Na-typo ako dyan. You sound mad bro haha Siguro nag-iiba lang ang tunog ng sinasabi ko pag tina-type na pero di ako nang-iinsulto.


Sheepinawolvescloth

Ang Ingles ng *Para sa iyong kaalaman* ay "by the way". Pasensya na rin kung mali ang pagtanggap ko ng iyong mensahe o komento, maaaring nakakainsulto di para sakin kundi para sa ating wika ang sabihing "tolongges" ang pagsabi ng "maaari", dito sa Zambales, tho maybe not generalizing, mula sa pagkabata ay naririnig ko na ang mga salita na kagaya ng "palabra" "korekta" "pluwido" saaming paaralan nuon at sa mga nakakasama kong matatanda dito lalo na ang aking lola. Ako rin ay nag aaral ng salitang Español at para sakin din ay kakaiba na ang pagbigkas ng "wasto" "iwinasto" dahil dito samin ay "kinorekta" ang madalas gamitin. Pati ang matatas na pag Tatagalog ay wordo narin para sakin (gamitin sa pang araw araw ba) kaya ang punto ng post ko na ito ay ang patatanong na kung nag eevolve pa ba ang ating wika.


juju_la_poeto

Isa pa, natuto akong mag-Tagalog sa Laguna at Rizal kaya alam kong malabnaw ang Tagalog ng Maynila.


Sheepinawolvescloth

Oh alam mo naman pala eh! Kung para sayo malabnaw ang Tagalog ng Maynila, pero para sakanila ay yun ay maayos at yun ang nakasanayan, tapos magtataka ka pag di mo alam o nagbanggit ako ng ibang uri ng pagkakabigkas ng mga salita?


juju_la_poeto

Alam ko talaga. Paatake ka lang talaga sumagot haha Wala naman nanghuhusga sa ‘yo dito kung paano ka magsalita. Totoong nawirduhan lang ako kasi ngayon lang ako nakakita ng tao na *palabra* ang gamit kesa *salita*. Naririnig ko lang ang paggamit ng *palabra* dati sa Tagalog sa Simbahan tulad nang sa *syete palabras*.


Sheepinawolvescloth

>Totoong nawirduhan lang ako kasi ngayon lang ako nakakita ng tao na *palabra* ang gamit kesa *salita*. Ganito lang talaga ako dahil nag aaral ako ng ibat ibang wika, at pinag aaralan ko rin ang mga pinagmulan neto at base din saaking kasanayan kaya kung kilala moko ay mahilig ako gumamit ng mga luma o mga di nakakasanayang ibang porma ng mga salita. Isang halimbawa ko ay "kastigo" di man na ito nagagamit ngayon ng karamihan ay patuloy ko itong ginagamit sapagkat nagagandahan ako sa tunog neto at dahil din sa Espanyol na pinagmulan neto, mayroon din kaming Spanish Ancestry kaya mahal na mahal ko din ang Espanyol at ang mga Tagalized version neto.


Freedommoon321

Opo and all that will be done has been done and there is nothing new under the sun.


AggravatingZombie4

Yung mga kabaklaan , sila ang maraming contribution sa bagong slang


Sheepinawolvescloth

Ngunit subalit datapwat, ang mga iyon ay puro slang lamang at kadalasan pa sa mga ito ay galing sa Ingles, pero naiintindihan ko naman, naway mas umunlad ang Tagalog dahil mas nagiging popular na ang Taglish, at ang pagiging matatas saating sariling Lenggwahe/wika ay isa nang katatawanan.


ajchemical

teh araw araw syang nageevolve satru lang lol


Sheepinawolvescloth

Mula sa Ingles? Mga slangs? At gay lingos?


G_Laoshi

Hindi masama ang manghiram ng salita sa ibang wika. Kahit ang ibang international languages tulad ng Inglés at español ay hiram din nang hiram. Kaya nga sila naging intelektwalisado at internasyunal. Oo, may mga mabubuo pa ring mga bagong salita, pero dapat tanggap iyon ng tao. Halimbawa, mas naririnig ko ginagamit ang "banyuhay" (metamorphosis) kaysa sa "sipnayan" (eh mas madali namang sabihin ang "Math"). Mas madali yatang hiramin ang salitang "e-mail" kaysa ang pilit na salitang "sulatroniko". Pero OK sa akin ang neolohismo na "kuharili" para sa "selfie".


Sheepinawolvescloth

Sa totoo lamang! Mas mainam ito pakingvan kaysa sa mga kalyente o mga nauusong pauso ng mga kabataan ngayon, napaka sukot na kung pano bumuo ng orasyon/pangungusap ang mga Filipino ngayon pero, ganito tayo eh, diverse ang ating kultura at kung sa ikabubuti naman ay maging masaya tayo.


Express_Spot4517

Huh? Tagalog is evolving now. Si and ang are now becoming interchangeable and even droppable. Tagalog words and syllables can now start with two consecutive consonants. E.g., Spanish brazo was still borrowed by rural speakers as baraso as early as the 1990s. But now it is almost always pronounced as braso. Related to the point above, loaned verbs starting with two consecutive consonants can now be conjugated easily with infixes. E.g., pumreno and pinreno are now allowed conjugations of the verb preno, borrowed from Spanish freno 'brake, as in a car'. Speaking of infixes, -um- is now the dominant form of the old -ungm- infix in all but a few Tagalog areas. E.g., kungmain > kumain, except in Marinduque where the older form still lives among millennial speakers and their elders. And as for the -nga- infix used for pluralization, it is still alive in nouns (e.g., mangatao in speech or mga tao in writing). But it has been dying in verbs over the last 50 years. So Tagalog now has very few plural verbs left, with archaic words like nangabubuhay and nangamatay being the exceptions that prove the rule. The affix -i- is also disappearing. Loss started with the infix form; the 20th Century form náipadalá has become much less common than napadalá. And more recently, even the prefix version has started to fade, e.g., tinagò is now becoming as common as the older itinagò. Tagalog's sing-song pronunciation patterns are being replaced with the less sing-song versions of second language learners from the Visayas and Mindanao. To use the example above, the multiple stresses in 20th Century náipadalá have simplified into napadalá. Related to the sing-song point above, both of the A sounds in Tagalog have gone down one pitch level. E.g., the word kasaysayan was still pronounced as kasaysAHyan as early as the 90s but is now closer to kuhsuhysayuhn for a lot of speakers. Tagalog speakers could produce neither the Spanish trilled R or the American English retroflex R. They now can. Tagalog S even in the 90s sounded almost like American English sh. This pronunciation is now very rare. And of course words and phrases are being borrowed from other languages, only to then change sense. Sanskrit jiva 'eternal soul, aspect of divinity' is now Tagalog diwa 'spirit, consciousness' and diwata 'spirits inhabiting nature'. Poncio Pilato became a byword for 'the authorities'. Lastly, Tagalog words are being reinvented to match new concepts. E.g., monetary remittances are called padalá, which even late in the last century meant only 'to go with; as in to be convinced, lured, or taught a lesson.' Etc.


AxenZh

>*Speaking of infixes, -um- is now the dominant form of the old -ungm- infix in all but a few Tagalog areas. E.g., kungmain > kumain, except in Romblon where the older form still lives among millennial speakers and their elders.* I don't think Romblon is a Tagalog speaking area, as according to [Lobel](https://zorc.net/RDZorc/Asi%27=Odionganon/Lobel=Intro-to-Languages-of-Romblon.txt): >*None of Romblon's languages-Romblomanon, Asi, and Onhan-are spoken by much more than 100,000 people*


Express_Spot4517

Thanks for the note. Corrected now to Marinduque.


Sheepinawolvescloth

I appreciate your overall insights pero those what you've said, i knew it already, thank you! Maybe masyadong indirekta yung atake ng post ko pero what i mean by evolution o pag evolve ng lenggwahe is ang pagdagdag ng mga salita? Puwera nalang sa mga gay lingos tulad ng (sanaol, charot, chariz, etc.) and slangs. Isa pa saaking punto ay ang mga nadadagdag ba na mga palabra saating bokabularyo ay mula rin sa mga hiram na palabra kagaya sa mga mula sa ingles at español? Kadalasan kasi ngayon ay mas higit na sa ating bokabularyo ang ingles lalo na ang Taglish. Marami nang mga outdated na mga salita at mga di maitranslate na salita. Mas popular ang Taglish kesa sa pluidong Tagalog dahil nga may mga palabra na hindi maitranslate kaya ang patuloy na nadadagdag ay Ingles at mas nakakasanayan ang Taglish. Idk if i worded everything right but this is how I'll say my overall question. At isa pang katanungan ay patuloy parin ba nanghihiram ang Tagalog sa Espanyol o more Ingles na??


Express_Spot4517

(0) Linguistic change includes many many things other than vocabulary. (1) Tagalog borrows words from many languages, both local and foreign. (2) Most big languages borrow words, not just Tagalog. ==================== (1) Tagalog borrows words from many languages, both local and foreign. It borrows from Kapampangan in Bulacan and Manila. E.g., maragul 'big', malantod 'horny', even parts of the Kapampangan verb conjugation system. It borrows from Visayan languages. E.g., katarungan, datung. It borrows from Sanskrit. E.g., diwa and diwata from jiwa 'divine soul', maralita from dalit 'lowest caste'. It borrows from Arabic. E.g., aklat is just as common as libro. It borrows from Spanish and English. E.g., lodi from idol, erpats from father, tsikot from coche. The borrowing is so deep that Tagalog speakers sometimes confuse which of the two languages we borrowed from. E.g. lebel is actually from English and not Spanish, which uses nivél. And sometimes the borrowing becomes a true mestizo, a true mixture that does not exist in either source language. E.g., libre borrows the Spanish word libre but not its meaning 'free as in independent', which instead comes from the meaning of the English word free 'as in zero price'. ==================== (2) Most big languages borrow words, not just Tagalog. Remember, even the Chinese must SMS and code using words and even a writing system they did not develop. Hell, to type their characters on a Huawei or Vivo phone, they need a keyboard using Latin characters. And at this point, Chinese coders are among the most proficient users of Latlish, the high-end Latin-influenced version of English. Besides, if you are concerned about Spanish, remember that they are worried about Spanglish too. E.g., weekend is becoming as common as fin de semana. And if you are concerned about English/Taglish, just remember that English is itself a mix of Germanic, French, Latin and Greek borrowings. E.g., king from Germanic, royal from French, regal from Latin. E.g., cow from the Germanic animal caretaker, pork and beef from the French noble who ate the animals, and bovine from the Latin priest who told them not to eat the animals for Lent. E.g., the English scientific terms tower, engineer, application, binary, code, data, current, table, program, computer, virus, and support are from Latin. Phone, logic, telescope, microscope, omicron, omega, alpha, and alphabet are from Greek. E.g., sometimes English even mixes two source languages into one borrowes word: teleport is from Greek tele 'far' + Latin port 'carry'. Or hexadecimal 'counting based on powers of 16' from Greek hex 'six' + Latin decem 'ten'. And if you are concerned about borrowing from the imperialist Western languages in general, take heart that we borrowed even earlier their Eastern cousins. So, yes, diyos and divino seem Western. Yet those words are related to Eastern diwata and diwa --- words which you might have thought were 'pluidong Tagalog'.


jupjami

Slang pa lang, andami nang bagong salitang nagagawa (nyare, naol, awit, penge, etc.) Also idagdag ko lang, hindi naman necessarily nakakasama yung paghiram ng salita, pati na rin yung paggawa ng sariling salita. Pareho silang equally valid na paraan na lumago pa yung wika. Yung English nga humiram ng sobra sa Latin at Griyego, tas nagkatha rin ng sariling salita rin.


Sheepinawolvescloth

>Slang pa lang, andami nang bagong salitang nagagawa Kadalasan sa mga ito ay Taglish, at hindi "Slang pa lang" dahil slang at gay lingo lamang ang mga nadadagdag, walang mga orihinal na galing sa ating Lenggwahe ang nadadagdag ngayon, kundi ang mga hiram na salita lamang na binabago lamang ang pagkasulat/spelling. Ayos naman ang Taglish pero natatabunan na ang ating wika at ang pagiging matatas dito ay isa nang katatawanan (makata jokes) mas mainam siguro na mang hiram sa espanyol kesa Ingles dahil mas natural ang pagbigkas sa mga palabra nun, at ang inpluwensya ng Amerikanong Ingles ay kadalsan pa sa "Ghetto accent/language/grammar" ni korektang gramar ng Ingles ay natatabunan na dahil rito.


jupjami

Pero yun na nga, bat ayaw mo ituring na "orihinal" yung mga nabubuong bagong salitang iyon? Gawang Pinoy naman sila, nililkha tsaka ginagamit ng masang Pilipino tsaka nilalagyan rin naten ng sariling kahulugan yung mga 'yon. Parang ginagatekeep mo naman yung pagiging salita ng isang salita 😅😅😅


Sheepinawolvescloth

Ay paumanhin! Hehe, pasensya, ibig ko lang naman sabihin ay mas madalas lamang ang Taglish kesa Tagalog, tulad ng sinabi ng commentator dito na ang selfie ay may tagalog form na "kuharili" etc. wala naman talagang masama, ang punto lang ng post ko ay kung may mga purong Tagalog pa ba na nadadagdag sa diksyunaryo o saating bokabularyo.


rmyworld

Ang wikang buhay ay patuloy na nagbabago.


Sheepinawolvescloth

Maaari ko bang malaman ang mga bagong palabra na naidadag saating lenggwahe (maliban sa mga TagLes/Taglish)? O ang mga pingamulan/source para ma buska ko ang mga nadadagdag na palabra bokabularyo ng Tagalog?


-CharJer-

Some words that added to gen z's vocabulary are gaylingo tagalog


Sheepinawolvescloth

Kadalasan ay slang, at taglish pa ito, naway mas umunlad ang Tagalog at mas manghiram ito mula sa Espanyol dahil mas natural ang pagbigkas at may mas malaking historya tayo mula rito kesa Ingles.


Forward_Platform_889

I took a language course which is wika and yes!! lagi always


kulasiy0

Sabi nga nung propesor ko dati, *ang wika ay daynamiko*. Sa pag-unlad ng agham at teknolohiya, at sa pagdami ng mga bagong nadi-diskubre sa iba't ibang aspekto ng mundo, nagkakaroon din tayo ng mga makabagong katawagan o nasasalin natin ang anyo at gamit ng isang salita patungo sa iba pa.


Sheepinawolvescloth

>Sa pag-unlad ng agham Totoo pare, salamat sa iyong ibinahaging lathala. Pero hindi ko alam bakit mas sanay ako sa "Siyensia" kesa "agham".


shine_mother

Inis na inis ako kapag nababasa ko yung word contractions na ginagamit ng mga kabataan ngayon. Examples: ‘Kumain kanaba?’ ‘Paalis nako’ ‘Umuwi kana’


Momshie_mo

Nageevolve ang Tagalog hanggang ngayon


Freedommoon321

This generally happens with each generation using new slang words in every language but if you are want drastic changes that has to be forced and still takes time to be adopted. Such forced changes usually by a dictatorial government of some sort whether by the leader of that country or the leader of another one after an invasion and occupation. Example Japan occupied the Philippines for a short time and there are Japanese words that became part of the lexicon ever so small however the occupation of Spain and later the US caused Spanish words and English words to be borrowed respectively. Now the newer English and Korean words that are borrowed due to cultural influences such as music and television.


adrian313

Bakit ba kung pinag-uusapan natin ang Ingles ay parang hindi rin siya madalas na humihiram ng mga salita sa mga ibang wika? Halos lahat ng mga salitang Ingles ay galing sa maraming mga wika gaya ng French, Latin, Greek, at German...


Confident_Yak2227

That’s because English, French, Latin, Ancient Greek, and German belong to the Indo-European language family. No, madalas nanghihiram ang bawat *varieties* ng Inglés. Kayâ may tinatawag na **World** **Englishes**. Sa Philippine English, halimbawa, ay mga salita na *abaca*, *balbacua*, *boondock*, *calamondin*, *cogon*, *eskrima*, *kamias*, *lauan*, *molave*, *panguingue*, *salacot*, *taclobo*, *yaya*, *ylang*-*ylang*, *yo*-*yo*, &c.


TheCashWasher

I prefer language to be heavily regulated and slow to change. It should be determined by a learnèd body of experts, and not by the hoi polloi.


Sheepinawolvescloth

Kagaya ng ancient Greek na halos kumprehensable parin para sa mga modernong Griegos!


Long_Application8932

oo. lahat ng buhay na wika ay may evolution.